Sunday, April 2, 2017


Sa mga taong napangakuan ko ng kahit anong bagay, humihingi ako ng paumanhin kung hindi ko man ito natutupad kaagad. Pag dumarating naman yung time na kaya ko ng tuparin ito ay bumabawi naman ako at mas madalas na mahigit pa ito sa naipangako ko. Sana maunawaan nyo na dumarating din ang time na walang wala ako. Na may mga problema din akong pinagdadaanan na madalas ay sinasarili ko nalang. Pakatandaan nyo na hindi ko parin nakakalimutan yung mga pangako ko at gagawin ko ang lahat para maisakatuparan ito.
Nagpapasalamat parin ako dahil may mga tao paring handang tumulong sa akin.

Panahon ng Liga na naman....

4 years ago, nabuo ang isang pangalan. Pangalang nagsimula lang sa katuwaan. 
Nung time na yon napagkasunduan nilang sumali sa isang Liga at nagulat nalang ako na Draculex  ang ginamit nilang pangalan. Diko alam kung matutuwa or maiinsulto ako, madaming ibig sabihin ang pumasok sa isip ko. Palagi naman akong walang choice kundi ang sumuporta sa kanila, nandyang pumalakpak ako, sumigaw at kumuha ng mga pictures. At kailangan palagi akong andun pag may laban sila. Ang buong agenda ay suportahan ng grupo ang team namin. Yun ang "Golden Age" ng samahan namin. Hindi hiwalay hiwalay at may isang adhikain kahit matalo or manalo. 

Hindi mo maiiwasang maalala ang lahat... ang grupo namin ang may pinaka malaking hatak sa lahat. Kung baga sa PBA, kami ang Brgy. Ginebra. Nagkaroon pa kami ng Fans Club- Ang "Dracubeks"! 

Sa mga players, organizers, Committee- salamat sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga tao sa lugar na ito.  



Saturday, March 11, 2017

Minsan di talaga maiiwasan na may mga taong magpapaalala sayo ng nakaraan. Magbabalita ng mga pangyayari sa taong minsang naging bahagi ng iyong buhay. Hindi man naging pabor sa atin ang kapalaran, ipinagdasal ko naman ang iyong kaligayahan. Alam ko namang marami akong naging pagkukulang na lubos kong pinagsisihan. Nasaktan ka, nasaktan din ako pero di ko ituturing na patas ito. Ngayong nalaman ko ang masakit na iyong pinagdaan matapos tayong maghiwalay, maraming tanong ang pumasok sa aking isipan.
"Ano kaya kung tayo ang nag nagkatuluyan?"
"Magiging mabuting Ama at asawa ba ako?"
"Magiging masaya at maayos ba ang ating pagsasama?"
"Huli na ba ang lahat ngayong malaya kana uli?"
Tinutupad ko hanggang ngayon ang pangakong sayo'y binitiwan, na ikaw ang huling babaeng sasamahan at pahahalagahan.
Hindi ko akalain ang naging epekto ng ating paghihiwalay. Ang anino ng kasamaan na nakahimlay sa aking puso't isipan ay kumawala ng lubusan. Hanggang sinira nito unti unti ang aking buhay. Pinalubha nito ang kalungkutang aking nararamdaman. Inilabas nito ang mga sakit na sumisira sa aking katawan. Pinoste nito ang konseptong "dying not so old and lonely".
Huli na para sa akin ang lahat. Ang dating ako ay wala na. Ako ay nagbago na, hindi na ako karapat dapat sa muling pagmamahal na iyong ibibigay.
Ang tanging kaya ko lang ialay sayo ngayon ay isang taimtim na panalangin na sana naman ay pagbigyan ng Diyos ang kaligayahan at kapanatagan ng iyong isipan, ang hindi mawala ang suporta at pagmamahal ng mga taong malapit sa iyo at ang katawang malayo sa kahit anong karamdaman.
Shot?

Sunday, September 28, 2014