Saturday, March 11, 2017

Minsan di talaga maiiwasan na may mga taong magpapaalala sayo ng nakaraan. Magbabalita ng mga pangyayari sa taong minsang naging bahagi ng iyong buhay. Hindi man naging pabor sa atin ang kapalaran, ipinagdasal ko naman ang iyong kaligayahan. Alam ko namang marami akong naging pagkukulang na lubos kong pinagsisihan. Nasaktan ka, nasaktan din ako pero di ko ituturing na patas ito. Ngayong nalaman ko ang masakit na iyong pinagdaan matapos tayong maghiwalay, maraming tanong ang pumasok sa aking isipan.
"Ano kaya kung tayo ang nag nagkatuluyan?"
"Magiging mabuting Ama at asawa ba ako?"
"Magiging masaya at maayos ba ang ating pagsasama?"
"Huli na ba ang lahat ngayong malaya kana uli?"
Tinutupad ko hanggang ngayon ang pangakong sayo'y binitiwan, na ikaw ang huling babaeng sasamahan at pahahalagahan.
Hindi ko akalain ang naging epekto ng ating paghihiwalay. Ang anino ng kasamaan na nakahimlay sa aking puso't isipan ay kumawala ng lubusan. Hanggang sinira nito unti unti ang aking buhay. Pinalubha nito ang kalungkutang aking nararamdaman. Inilabas nito ang mga sakit na sumisira sa aking katawan. Pinoste nito ang konseptong "dying not so old and lonely".
Huli na para sa akin ang lahat. Ang dating ako ay wala na. Ako ay nagbago na, hindi na ako karapat dapat sa muling pagmamahal na iyong ibibigay.
Ang tanging kaya ko lang ialay sayo ngayon ay isang taimtim na panalangin na sana naman ay pagbigyan ng Diyos ang kaligayahan at kapanatagan ng iyong isipan, ang hindi mawala ang suporta at pagmamahal ng mga taong malapit sa iyo at ang katawang malayo sa kahit anong karamdaman.
Shot?

No comments:

Post a Comment